Duterte, binirahan si Trillanes kaugnay ng ICC prosecutor report isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Dating Senador Antonio Trillanes IV at Pangulong Rodrigo Duterte
Larawan mula sa: Interaksyon

Nagpaulan ng mga maaanghang na salita si Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules kay dating senador Antonio Trillanes IV, matapos ang naging komento nito sa huling inilabas na report ng International Criminal Court tungkol sa kampanya kontra iligal na droga ng Duterte administration.

Sa kanyang lingguhang public address, inihambing ng pangulo ang kanyang kritiko sa tae ng aso.

Aniya, “Itong tao na ‘to, si Trillanes, may statement siya. Trillanes, alam mo, ‘pag nakita ko ‘yang pangalan mo, nakikita ko tae ng aso. Every time I look at you, you’re a shit of a dog,”

“Mas marunong ka pa. Bakit mo ako takutin na magpreso? If it is my destiny na magpreso ako, eh di magpreso ako,” ani Duterte.

Batay sa inilabas na ulat ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC), mayroong “reasonable basis” na nagkaroon ng crimes against humanity ang inilunsad na kampanya kontra droga ng administrasyon simula 2016. 

Nakasaad sa “Report on Preliminary Examination Activities 2020” na binuksan ng tanggapan ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda noong Pebrero 2018 ang preliminary investigation hinggil sa pagpatay sa libu-libong drug users at suspek, kabilang na ang mga nanlaban o mga binaril ng mga awtoridad na naka-disguise bilang vigilante.

Naglabas ng reaksyon si Trillanes tungkol sa nasabing ulat at sinabing malapit na ang “time for reckoning” para kay Duterte at ng kanyang mga kaalyado.

“They have to answer for the thousands of Filipino lives killed during his brutal war on drugs,” pahayag ng dating senador sa isang tweet.

Hindi umano makakawala si Duterte sa inilabas na ulat, kahit hindi niya pa ito pansinin.

Aniya, “Duterte may try to ignore the jurisdiction of ICC over him, but deep inside he knows that he cannot get away from this one. Having profiled Duterte, I am sure nanginginig na ‘yan sa takot.”

Galit namang kinuwestyon ni Duterte ang naging ambag ni Trillanes sa bansa.

“Mga Filipino, anong ginawa nitong pu—- in– ito? Sige sabihin mo. Maski mali mali, ano’ng ginawa ng animal na ito?” sabi ng pangulo.

Diin nito, “Kami may ginawa kami, sige makulong eh di makulong. Ikaw nanalo ka dahil sa backlash sa administration. Tapos akala mo kung sino kang magsalita, as if you are also . . . Ni hindi ka naman summa cum laude.”

“Pero alam mo sa totoo lang Trillanes, kung bright ka sa akin, kung mas marunong ka, ikaw na sana nagdadaldal dito, hindi ako. ‘Yan ang totoo.”

“Wala itong nagawa kundi mag-exhibition. Wala itong nagawa kundi manira ng tao,” birada ni Duterte sa kanyang kritiko.

Inakusahan din ni Duterte ang oposisyon ng pamumulitika, at umapela sa publiko na huwag paniwalaan ang mga ito.

Aniya, “‘Wag kayong maniwala diyan sa opposition. Walang ginawa ‘yan, gusto lang niyan bumalik. Kung maaari lang, ibibigay ko na lang para hindi na sisirain ang Filipino. Hindi na tayo masira, ibigay ko na lang. Ito, wala itong ginawa kundi mamulitika.”

Sinabi rin ng pangulo na nakikipagsabwatan aniya ang oposisyon sa mga komunista.

“Nakipag-kuntsaba, pati itong mga komunista nakapasok sa gobyerno,” giit ng pangulo.

Dagdag pa nito, “Do you think we will stop there? I said you are a member of a grand conspiracy of communism. Lahat kayo.”

LATEST

LATEST

TRENDING