Velasco: House employees at media, babakunahan muna bago ang mga kongresista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ang mga empleyado at media na nagco-cover sa Kamara ay ang mauunang makatatanggap ng bakuna kontra Covid-19 sa pamamagitan ng badyet ng legislative branch, giit ni House Speaker Lord Allan Velasco noong Miyerkules.

Sa isang briefing, sinabi ni Velasco na ang mga empleyado, media, kabilang na ang lima nilang mga kapamilya, at bibigyang prayoridad sa pagbabakuna bago ang mga kongresista.

Aniya, “We’ve decided that for the normalcy of business in Congress, we’ve decided to set aside a certain amount for the vaccines, for purchasing of vaccines for our employees times five. So five of their immediate family members will be included, mainly because we want the legislative mill to be grinding.”

“Naisip ko rin na ang ating media friends are also considered as our family. So we’ll include our media friends in the vaccines,” dagdag pa ng Speaker.

Maglalaan ng inisyal na ₱50 milyon para sa procurement ng vaccines tulad ng AstraZeneca o Sinovac na posibleng maging available sa unang quarter, dagdag pa nito.

Binigyang diin ni Velasco na hindi tatanggap ng bakuna ang mga mambabatas hangga’t nabakunahan ang kanilang mga empleyado at media workers.

“Ang members of the House, hindi muna. We’ll start to get the vaccines first for the employees and the media and their families,” giit ng Speaker.

Matatandaan noong buwan na ibinunyag ni Senate President Vicente Sotto III na naturukan na ng Covid-19 vaccine sina House Majority Leader Martin Romualdez at Senador Panfilo Lacson.

Hindi naman nagkomento sa isyu si Romualdez habang hindi itinanggi o kinumpirma ni Lacson ang isyu sapagkat mayroon itong “little significance or no significance at all”.

Ang mag empleyado ng gobyerno ay ika-pito sa priority groups na makatatanggap ng Covid-19 vaccine sa bansa. Sila ay kasunod ng health workers, mahihirap na senior citizens, natitirang senior citizens, indigent population, uniformed personnel, at mga guro at kawani ng paaralan.

Naunang nakapagtala ang Mababang Kapulungan ng 98 kaso matapos magsagawa ng mass swab testing sa mga empleyado at kongresista noong Nobyembre 10.

Unang nilinaw ni Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang mga nagpositibo sa nakamamatay na sakit ay 5% lamang sa kabuuang 2,000 na nagpa-test. Ito ay bukod pa sa 93 kataong nahawaan ng coronavirus bago pa man ang mass testing.

LATEST

LATEST