Vaccine deal sa Pfizer, tuloy pa rin: PH ambassador sa US

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Dado Ruvic (Reuters)

Ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer para sa procurement ng 10 milyong doses ng bakuna ay hindi pa ibabasura bagama’t “may naglaglag ng bola,” na nakaapekto sa nasabing kasunduan, wika ng isang ambassdador.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez noong Miyerkules ang klarpipikasyon matapos ang naging kontrobersyal na tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na nakapag-secure sila ng milyun-milyong doses ng bakuna na dapat ay darating sa Enero, subalit hindi naisakatuparan dahil “may naglaglag ng bola.”

Ayon kay Romualdez, ang pagdating ng bakuna ay posibleng maantala nang ilang buwan sapagkat nakapag-finalize na ng kasunduan ang ibang mga bansa. Subalit, iginiit nitong kasalukuyang tinatrabaho ang kasunduan para sa mga bakuna pati na rin ang procurement agreements sa Moderna.

“Only pushed back to later date of delivery possibly June next year because we did (not) act quick enough on the CDA (Confidential Disclosure Agreement). Other countries got ahead of us like Singapore,” ani Romualdez.

Dagdag pa nito, “We are ‘work in progress’ with Pfizer & Moderna for supply of vaccines. If we commit soon we can possibly get delivery by mid next year.”

Tinanong ni Senador Panfilo Lacson si Locsin, sa ginanap na Senate Committee on Appointments hearing noong Miyerkules. Ikinadismaya nitong nasayang ng bansa ang oportunidad na matanggap ang mga bakuna sa Enero, at sinabing kilala niya ang “captain” na pumalpak.

“You can figure out who is the captain ball I am referring to, who keeps dropping the ball but manages to stay in the game because the coach refuses to replace him,” wika ni Lacson.

Kung nanatili sa schedule ang nabuong kasunduan ng mga opisyal ng bansa at ni US Secretary of State Mike Pompeo, ang Pfizer ang magiging kauna-unahang Covid-19 vaccine na dumating sa bansa. Sa kasalukuyan, tanging ang bakuna ng Pfizer at ang partner nitong BioNTech ang nakapag-secure ng emergency use authorization abroad, kabilang ang United States, United Kingdom, at Singapore.

Kumikiling ang Duterte administration sa Chinese-manufactured vaccine na Sinovac upang maging kauna-unahang bakunang darating sa bansa. Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes na ang Sinovac ang tanging brand na makapagsusuplay sa lalong madaling panahon, sa Marso o Abril 2021. Sinisikap ng pamahalaan na bumili ng hanggang 25 milyong doses ng Sinovac vaccine, kahit na hindi na isinasapubliko ng kumpanya ang resulta ng phase 3 clinical trials nito upang patunayan ang pagiging ligtas at epektibo ng gamot.

Sa ngayon, nakapag-secure na ang bansa ng 2.6 milyong doses ng bakuna mula sa British drug maker na AstraZeneca, na inaasahang darating sa ikalawang quarter ng 2021. Ang kasunduan ay binuo sa pamamagitan ng isang ₱600-milyong donasyon galing sa mahigit 30 private companies. Sumang-ayon din ang kumpanya na magsuplay ng panibagong batch ng mga bakuna.

LATEST

LATEST