Reshuffle sa Kamara, nagpatuloy sa huling araw ng sesyon ngayong taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagpatuloy ang revamp sa loob ng Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco, hanggang sa huling araw ng sesyon bago mag-adjourn para sa Kapaskuhan.

Sina Cavite Rep. Bambol Tolentino at Davao City Rep. Isidro Ungab ay inihalal noong Miyerkules bilang deputy speakers, para sa kabuang bilang na 32.

Ang huling palitan ng mga opisyal ay nagresulta naman sa pagpapatalsik kay Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, kaalyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano, bilang chairperson ng Committee on Public Accounts. Siya ay pinalitan ni Probinsyano Ako Party-list Rep. Jose “Bonito” Singson, Jr.

Matapos ang pagkatanggal sa puwesto, binanatan ni Defensor si Velasco.

Aniya, “Speaker Lord Velasco is the worse.”

“He didn’t even have the courtesy to talk with me even as we had a short meeting last week as regards the investigation to be conducted by the Committee on Public Accounts[…] I would not have resisted if he had asked me to give up the position as I have said in the past,” dagdag pa ng kongresista.

Samantala, pinangalanan naman si Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin, Jr. bilang bagong chairperson ng Committee on Constitutional Amendments.

Ang dating posisyon ni Garbin na pagiging miyembro ng House of Representatives Electoral Tribunal ay ibinigay naman kay Bulacan Rep. Henry Villarica.

Humalili naman kay Singson bilang deputy minority leader si Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat.

Si Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas ay ibinoto rin bilang assistant minority leader.

Simula nang pamunuan ni Velasco ang Kamara noong Oktubre, ilang kaalyado ni dating Speaker Cayetano ay pinatalsik mula sa kani-kailang mga puwesto bilang deputy speakers at committee chairpersons.

LATEST

LATEST

TRENDING