Duterte, sinertipakahang urgent ang panukalang paggawa ng departamento para sa OFWs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang panukalang batas na layong magtatag ng bagong departamento para sa mga overseas Filipino workers, giit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Sinabi ni Sotto noong Miyerkules na nais ni Duterte ang agarang pagpapasa ng Senate Bill 1949, o ang Department of Overseas Filipinos Act of 2020. Natangganp ng Senate president ang liham na may petsang Disyembre 15 mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Noong Marso 11, ipinasa ng Kamara sa botong 171-11 ang kanilang bersyon ng bill.

Nakasaad sa House Bill 5832 na ang bagong ahensya ay magsisilbing pangunahing tanggapan na magpoprotekta sa karapatan at kapakanan ng OFWs tulad ng pag-regulate sa deployment sa ibang bansa at paghahabol sa mga kaso ng illegal recruitment.

Matapos itong aprubahan ng Senado at isabatas ng pangulo, ang bagong departamento ay pangungunahan ng kalihim kasama ang limang undersecretaries na may iba’t-ibang tungkulin – administration and finance, foreign employment, diaspora engagements and special concerns, assistance to Filipinos overseas in distress, at policy agreements.

LATEST

LATEST

TRENDING