Sinas, pinaalalahanan ang PNP na sundin ang health protocols ngayong Kapaskuhan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PNP Chief Debold Sinas

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas sa mga pulis na mariing sundin ang umiiral na Covid-19 protocols lalo na sa darating na Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ito ni Sinas sa ginanap na turnover ng siyam na bagong bagong evidence vaults sa National Capital Region Police Office (NCRPO)

Ayon kay Sinas, ipinagbabawal sa kapulisan ang pag-attend ng Christmas party, paggamit ng paputok, at indiscriminate firing.

Nagbabala ang PNP Chief na maaaring i-dismss o tanggalin sa serbisyo an sinumang lalabag sa mga umiiral na patarakan.

Matatandaang naging usap-usapan si Sinas matapos maglipana sa social media ang mga larawan nito kasama ang iba pang mga pulis habang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan bagama’t umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) o lockdown noong mga panahong iyon.

Sinabi naman ni Sinas na magpapatuloy ang group swab testing sa panahon ng Kapaskuhan. Makatutulong umano ang early detection upang mapigilan ang paglaganap ng coranvirus sa komunidad.

Samantala, magde-deploy naman ang NCRPO ng tinatayang nasa 10,000 na kapulisan sa Kalakhang Maynila ngayong araw bilang kabahagi ng police visibility at hakbang tungo sa peace and order ngayong panahon ng Kapaskuhan.

LATEST

LATEST

TRENDING