OCTA Research: Covid reproduction rate sa NCR, umaakyat na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Edd Gumban (The Philippine STAR)

Nag-umpisa nang umakyat ang Covid-19 reproduction rate sa Kalakhang Maynila at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na araw.

Ito ang nobserbahan ng OCTA Research team ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Dr. Guido David ng nasabing team na ang average number ng mga taong nahawaan ng isang tao sa isang susceptible population ay nasa 1.06 na, at ito ay tumataas pa. Ang bilang na mas mataas sa 1 ay nangangahulugang lumalaganap ang Covid-19 pandemic.

Mula sa 0.90 noong Disyembre 1, tumaas ang reproduction rate ng National Capital Region (NCR) sa 094 noong Disyembre 5, at umabot naman sa 0.96 noong Disyembre 10.

Pagsapit ng Disyembre 11, pumalo na ito sa 0.99 mula sa 0.88 na naitala noong Nobyembre. Ang 1.06 na reproduction number ay alinsunod sa naging projection ni Dr. David noong Sabado na papalo ito sa 1.0 na marka.

Ayon sa mananaliksik, ito ay may kinalaman sa paggalaw ng tao ngayong panahon ng Kapaskuhan kung kailan maraming tao ang lumalabas upang magtungo sa mga pamilihan.

Inaasahan namang papalo sa kalahating milyon ang Covid-19 cases sa bansa sa pagtatapos ng taon.

LATEST

LATEST

TRENDING