Mga kamakailang pag-aresto, walang kinalaman sa red-tagging: Lacson

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Panfilo “Ping” Lacson

Ang mga kamakailang kontrobersyal na mga pag-aresto, kabilang na ang isang mamamahayag at union organizer, ay hindi maaaring iugnay nang direkta sa red-tagging ng mga opisyal, giit ng isang senador noong Lunes.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, ang pag-uugnay ng mga pangyayaring ito ay “stretching too far,” habang idinidiing ang mga inihaing search warrants ay nagmula sa korte at mga awtoridad.

“If you look at the facts as presented through the media, the facts surrounding the arrests, wala namang kinalaman sa red-tagging,” ayon kay Lacson sa isang panayam sa The Source ng CNN Philippines.

Dagdag pa ng senador, “Parang stretching too far kung ico-connect natin.”

“They were arrested because of the pieces of evidence. Of course, we can speculate, consequence ng red-tagging, pero facts are facts,” paglilinaw ni Lacson.

Si Lady Ann Salem, editor ng alternative media outfit na Manila Today, pati na ang union organizer na si Dennise Velasco ay parehong inaresto noong Disyembre 10, ang petsa ng International Human Rights Day. Sa pag-uumpisa ng buwan, inaresto rin sa Cagayan si Amanda Echanis, anak ng pinatay na peace consultant na si Randy Echanis.

Iniulat ng pulisya na ang mga inaresto ay mayroong baril at bala, subalit sinasabi naman ng rights organizations at iba pang mga grupo na ang mga nasabat na armas at bala ay itinanim na ebidensiya.

Samantala, iginiit naman ni Lacson na ang pagpapasa ng panukala na layong gawing krimen ang red-tagging ay posibleng maging “tall order” sa Senado.

We have yet to collate all the information that we gathered from all the resource persons that we invited before the committee hearing, to be able to come up with a committee report that is comprehensive and objective (Hindi pa namin napagsasama-sama ang lahat ng impormasyong nakalap mula sa inimbitahan naming resource persons sa committee hearing, upang makapagbuo ng committe report na komprehensibo at obhektibo),” sabi ni Lacson.

Dagdag pa nito, “ But I know that it is a tall order as far as my colleagues in the Senate are concerned (Alam kong isa itong ‘tall order’ kung ayon sa mga kasama ko sa Senado).”

LATEST

LATEST

TRENDING