Malaking bahagi ng Isabela, balik-GCQ hanggang Disyembre 31

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Isinailalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang malaking bahagi ng Isabela sa mas mahigpit na lockdown bunsod ng pag-akyat ng Covid-19 cases sa lalawigan, pahayag ng Malacañang noong Martes.

Ang lalawigan ng Isabela, maliban sa Santiago City, ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) o ikatlong pinakastrikto sa apat na lockdown levels hanggang Disyembre 31, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Ito ay batay sa request ng pamahalaang lokal ng Isabela at sa attack rate ng coronavirus. Ang lalawigan ay dating nasa ilalim ng modified GCQ o ang pinakamaluwag na uri sa lahat ng lockdown levels. 

Umiiral ang GCQ hanggang dulo ng taon sa Metro Manila at sa pitong iba pang lugar. Piling mga negosyo lamang ang pinapahintulutang mag-operasyon nang full capacity sa GCQ areas. Batay sa datos noong Lunes, umabot na sa tinatayang 450,000 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING