Malacañang: Paglahok sa dry run ng face-to-face classes, boluntaryo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Piling mga paaralan sa mga lugar na may mababang risk ng Covid-19 transmission ang natakdang magsagawa ng face-to-face classes mula Enero 11 hanggang 23, 2021, pahayag ng Malacañang noong Martes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang dry run ay imo-monitor ng Department of Education (DepEd) at ng Covid-19 National Task Force.

Ang huling linggo ng Enero ay ilalaan para sa pagsusumite ng reports tungkol sa kalalabasan ng pilot face-to-face classes at evaluation para sa pinal na rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa timeline na ibinahagi ng DepEd, ang regional directors ay kinakailangang magsumite kay DepEd Secretary Leonor Briones ng listahan ng mga nominadong eskwelahan pagsapit ng Disyembre 18.

Pipili naman si Briones ng mga pilot schools sa Disyembre 28, at susundan ito ng orientation, mobilization at readiness confirmation ng mga paaralan. Inihayag ng kalihim na maraming rural areas ang intereasadong magsagawa ng face-to-face classes.

Unang sinabi naman ng DepEd na gumawa na ito ng listahan ng mga paaralan na nominadong magsagawa ng dry run para sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang risk ng Covid-19.

Gayunpaman, iginiit ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na sasailalim pa rin sa evaluation ang mga nasabing paaralan tungkol sa kahandaan ng mga ito para sa face-to-face classes.

Noong Lunes, inaprubahan ni Duterte at ng Gabinete ang rekomendasyon ng DepEd para sa pagsagawa ng dry run.

Subalit, binigyang diin ng Palasyo na boluntaryo ang paglahok sa face-to-face classes, kung saan kinakailangang magsumite ng estudyante ng parent’s permit bago makalahok sa nasabing dry run.

The pilot shall be done under strict health and safety measures, and where there is commitment for shared responsibility among DepEd, local government units and parents (Ang pilot ay dapat isagawa alinsunod sa striktong health at safety measures, at kung saan mayroong commitment para sa shared responsibility mula sa DepEd, local government units, at mga magulang),” dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING