Lacson, kumpiyansang agarang mailalabas ng gobyerno ang ₱72-B vaccine budyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Panfilo “Ping” Lacson

Sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson noong Lunes na kumpiyansa siyang agarang mailalabas ng pamahalaan ang mahigit ₱72 bilyong budget na inilaan para sa pagbili ng Covid-19 vaccines sa susunod na taon, bagama’t may mga agam-agam na ang mayorya nito ay unprogrammed funds.

Ayon kay Lacson, ang mga nasabing pondo ay “puwedeng agarang ilabas” ng Department of Budget and Management (DBM) sapagkat may sapat umanong pera sa national treasury matapos ang ilang buwang pangungutang mula sa domestic at foreign sources.

“I’m confident that DBM will be able to come up with the ₱72 billion if needed,” ani Lacson sa isang panayam sa The Source ng CNN Philippines.

“Before the pandemic struck, our national debt stood at ₱7.8 trillion. We’re now at ₱10.4 trillion. By simple computation, we have already borrowed almost ₱3 trillion… Easily, ₱72 billion can be taken cared of by the borrowings,” paliwanag ng senador.

Dagdag pa nito, “Since the pandemic, ‘yung expenditures na na-incur natin, nasa mga ₱600+ billion yata, so kayang kunin doon sa borrowings natin. So it is as good as funded.”

Ang kabuuang badyet para sa Covid-19 sa susunod na taon, alinsunod na inaprubahan ng bicameral conference committee noong nakaraang linggo, ay nasa ₱72.5 bilyon. Sa halagang ito, ₱70 bilyon ang manggagaling sa unprogrammed allocations, na magiging available lamang kung mahihigitan ng bansa ang nakalap nitong revenue collections o sa pamamagitan ng inaprubahang loans.

Ang kawalan ng konkretong source ay nakapagdulot ng agam-agam sa ilang opisyal, kabilang na si Senate Minority Leader Franklin Drilon, na inilarawan ang vaccine budyet sa isang “unfunded check.”

Samantala, lumobo nang mahigit ₱10 trilyon ang utang ng bansa noong Oktubre, kasama ang mga nakuhang karagdagang loans sa gitna ng pandemiya, batay sa huling ulat ng Bureau of the Treasury.

LATEST