Galvez: Mga kontrata sa Covid-19 vaccine, malabong mapirmahan ngayong taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlio Galvez, Jr.

Inihayag ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na malabo aniyang malagdaan ngayong taon ang karamihan sa mga naging kasunduan para sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19.

Ayon kay Galvez, patuloy pa rin ang mga pag-uusap at negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at vaccine manufacturers. Bagama’t binibilisan na ang mga ito, inaasahang sa Enero 2021 pa mapipirmahan ang mga kontrata.

Kaya naman inaasahang sa unang quarter na ng 2021 ang pagdating ng mga bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas, habang sa ikatlong quarter naman ang inaasahang pagdagsa ng suplay ng mga ito sa bansa.

Idinagdag din ni Galvez na nasa advanced stages na ng negosasyon ang Pilipinas sa limang mga kumpanya, habang may exploratory talks naman sa limang iba pa.

Nakatakda namang isasapinal sa susunod na linggo ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at sa kumpanyang Sinovac ng China.

LATEST

LATEST

TRENDING