FDA sa Sinovac: ‘Huwag subukang manuhol’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: CNN Philippines

Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) noong Martes na hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang kurapsyon, lalo na pagdating sa Covid-19 vaccines.

Ito ay matapos maisapubliko ng isang Washington report ang kasaysayan ng bribery na kinasangkutan ng kumpanyang Sinovac mula China. Ayon sa tala ng hukuman, inamin ng Sinovac ang panunuhol sa isang regulatory official sa China upang pabilisin ang vaccine certifications ng kumpanya.

“Dito po sa Pilipinas, huwag nilang subukang manuhol dahil magkakaproblema po sila at sila po ay lalong hindi maaapprove,” pagbibigay diin ni FDA Director General Eric Domingo sa isang Laging Handa briefing.

Tiniyak naman ng opisyal sa publiko na mariing bubusisiin ng FDA, na inatasang aprubahan ang vaccine use applications sa bansa, ang mga papasok na bakuna sa Pilipinas.

Aniya, “Once they try something sila na po ang mananagot at magkakaproblema sila ng malaki.”

Ang Sinovac ay isa sa apat na vaccine developers na interesadong maglunsad ng clinical trials sa Pilipinas.

Bagama’t pumasa na ito sa vaccine experts panel, pinag-aaralan pa ang aplikasyon nito ng ethics review board. 

Naunang binanggit naman ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na posibleng bumili ng 25 milyong doses ng bakuna ang pamahalaan mula sa Sinovac.

LATEST

LATEST

TRENDING