Duterte, ipinag-utos sa PhilHealth na gawing simple ang proseso sa reimbursement ng claims

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na gawing simple at i-reconfigure ang requirements nito para sa mga pasyenteng nag-aasikaso ng kanilang hospital claims, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes.

Sinabi ni Roque sa isang news briefing na ang kautusan mula sa pangulo ay ibinigay upang maiwasan ang pagkaantala sa pagbibigay ng reimbursements sa hospital claims ng mga pasyente.

“I plea that this be simplified… All of these things can be compressed,” pag-uulit ni Roque sa ipinahayag ni Duterte sa isang cabinet meeting.

Inatasan din ang PhilHealth na i-extend ang deadline para sa filing ng claims.

“Yung ideal is to compress the process more and not bring more hardship to the sick and indigent Filipino patient, and not have to worry about the process,” ani Roque.

Makikipagpulong din umano si PhilHealth President at CEO Dante Gierran sa board of directors ng ahensya upang talakayin ang mga susunod na hakbang alinsunod sa naging utos ng pangulo, dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST