Duterte, inaprubahan ang pilot testing ng face-to-face classes sa low risk areas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete ang pilot testing ng face-to-face classes sa mga lugar na ikokonsidera bilang low risk sa Covid-19 pagsapit ng Enero 2021.

Ang iminungkahing dry run ng Department of Education (DepEd) ay inaprubahan sa ginanap na Cabinet meeting noong Lunes, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi nitong ang trial face-to-face classes ay dapat ilunsad sa Enero 2021, kung saan itatakda ng DepEd ang eksaktong petsa. Tanging mga eskwelahan lamang sa low-risk areas ang maaaring lumahok.

Makikipagkoordinasyon din ang DepEd sa National Task Force against Covid-19 para tiyakin ang implementasyon ng striktong health at safety protocols.

We need to emphasize that face-to-face classes in schools where this may be allowed will not be compulsory, but rather voluntary on the part of the learner/parents (Binibigyan natin ng diin na ang face-to-face classes sa mga paaralan kung saan ito pahihintulutan ay hindi mandatoryo, kundi boluntaryo sa panig ng estudyante/magulang),” ani Roque.

Dagdag pa nito, “A parent’s permit needs to be submitted for the student to participate in face-to-face classes (Kinakailangang magsumite ng parent’s permit upang makalahok ang mag-aaral sa face-to-face classes).”

Ibinalik ang basic education classes noong Oktubre sa ilalim ng blended learning na kinabibilangan ng pinaghalong internet-based sessions, radio at TV broadcasts, at printed self-learning modules. Ang karamihan ng klase sa iba pang antas ay isinasagawa rin online.

Naunang ipinagbawal ni Duterte ang face-to-face classes sa buong bansa hangga’t wala pang dumarating na bakuna kontra Covid-19. Inaasahan naman ng pamahalaan na maaprubahan ang bakuna sa unang quarter ng 2021.

LATEST

LATEST