AstraZeneca, binawi ang clinical trial application sa bansa: FDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director-General Dr. Eric Domingo na kinansela na ng UK-based pharmaceutical company na AstraZeneca ang aplikasyon nito para sa pagsasagawa ng clinical trials sa bansa tungkol sa Covid-19 vaccines nito.

Ayon kay Domingo, ang dahilan ng naging hakbang ng kumpanya ay ang pagkumpleto nito ng kinakailangang datos para mapatunayan ang pagiging epektibo ng ginawa nitong bakuna.

Ito rin aniya ay upang masuportahan ng AstraZeneca ang aplikasyon nito para sa emergency use authorization ng kanilang bakuna.

Samantala, tiniyak naman ng FDA na mananatili itong bukas sa pagtanggap ng applications sakaling magpasya ang AstraZeneca na magsagawa ng panibagong clinical trials.

Subalit, babalik ang UK-based drugmaker sa unang hakbang ng regulatory process sakaling ibahin nito ang disenyo ng pag-aaral kumpara sa inaprubahang protocol ng ethics board at vaccine expert panel ng Pilipinas.

Nagsumite rin ng aplikasyon para sa clinical trials ang mga kumpanyang Sinovac, Clover, at Johnson&Johnson.

LATEST

LATEST