Pacquiao, ilulunsad ang payment platform na ‘PacPay’ sa 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Manny Pacquiao
Kuha ni: Joseph Vidal (Senate PRIB)

Nakatakdang maglunsad ng panibagong financial technology venture si boxing superstar Senador Manny Pacquiao na layong tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang financial transactions.

Sinabi ni Pacquiao na ilulunsad ng kanyang technology startup na Pac Technologies ang “PacPay” sa unang bahagi ng 2021, na makapagbibigay ng mabilis at epektibong cross-border financial transactions para sa global influencers, brands at fans.

“This will make cross-border transactions easier for our countrymen especially the OFWs,” ani Pacquiao sa ginanap na World Fintech Festival na inorganisa ng GeiserMaclang Marketing Communications, Inc. in partnership sa Singapore FinTech Festival.

“With PacPay, we can help local businesses connect to global influencers and millions of fans around the world,” paglilinaw ni Pacquiao.

Dagdag pa nito, “We will also offer a unique rewards program where users will receive explosive perks, autographed merchandise and even tickets.”

Ang venture ng sikat na boksingero ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipag-partner ng Pac Technologies sa Remsea, isang fintech remittance firm na licensed ng Singapore Monetary Authority.

Noong 2019, inilunsad din ni Pacquiao ang kanyang sariling cryptocurrency na Pac tokens, na makatutulong umano sa kanyang fans na nais bumili ng kanyang merchandise at makisalamuha siya sa social media.

Tinagurian ang Pac tokens bilang kauna-unahanag celebrity cryptocurrency.

Ayon kay Pacquiao, bahagi ng kikitain nila mula sa PacPay ay gagamitin para pondohan ang charity projects sa Pilipinas.

Aniya, “The PacPay ecosystem is designed to support Filipinos who are in need. As users transact via PacPay part of our proceeds support charity projects in the Philippines.”

Nakagawian na ni Pacquiao na ipamigay ang bahagi ng kanyang kinita upang tulungan ang mga nangangailangan lalo na sa panahon ng krisis.

Kamakailan lamang ay nakipagkasundo ito sa Globe Telecom para sa exclusive streaming rights ng kanyang mga laban sa hinaharap. Ang kikitaing talent fee ay gagamitin umano upang tulungan ang mga naging biktima ng bagyo sa bansa.

LATEST

LATEST