Kongreso, dinoble ang ipinapanukalang badyet ng DICT sa P1.9-B

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Naglaan ang Kongreso ng P1.9 bilyon para sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng ipinapanukalang 2021 national budget bukod sa pondong inilaan para sa libreng WiFi sa mga pampublikong lugar at paaralan, giit ng isang senador noong Linggo.

Mas malaki ito nang doble mula sa inisyal na proposal ng pamahalaan na P902.194 milyon sa ilalim ng National Expenditure Program, ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee.

Aniya, “We need to really ramp up our internet infrastructure. It’s one of the needs of our country.”

“When you talk about build, build, build, you don’t just look at roads, you don’t just look at buildings, but you also look at the actual internet infrastructure because that will provide greater investments,” giit ni Angara.

Dagdag pa nito, “With bigger investments coming in to the country, this will mean more higher paying jobs and more economic activity.”

Tinatayang nasa P2.667 bilyon naman ang inilaan para sa libreng WiFi sa mga pampublikong lugar, sabi ni Angara.

“Expanding the access and reliability of our internet connections will go a long way in helping our children transition easier, especially for those who cannot afford to pay for their own subscriptions,” wika ng senador .

Gumagastos ang mga tanggapan ng pamahalaan nang average na P350 per megabits per second (mbps) ng internet bandwidth bawat buwan, o P420,000 bawat taon para sa ahensyang nangangailangan ng 100-mbps shared internet connectivity sa buong gusali nito, paliwanag ni Angara.

Kapag makumpleto na ang unang phase ng National Broadband Program (NBP), ang kaparehong ahensya at gagastos nang P60,000 kada taon.

Inaasahang makatitipid ang gobyerno nang P720 milyon sa gastusin ng internet sa unang taon ng implementasyon ng NBP, dagdag pa ni Angara.

Ika-32 sa buong Asya ang average fixed broadband speed ng Pilipinas, habang ika-34 naman ang mobile internet speed nito noong Oktubre, ayon kay National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba.

LATEST

LATEST

TRENDING