₱620-M, inilaan para sa cancer control program sa ilalim ng 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Naglaan ang Kongreso ng ₱620 milyon sa ilalim ng 2021 General Appropriations Bill para sa cancer control program ng pamahalaan.

Sa ₱4.5-trilyong 2021 national budget na niratipikahan ng Senado at Kamara kamakailan, ₱620 milyon ang inilaan para sa implementasyon ng Republic Act 11215 o ang National Integrated Cancer Control Act upang mabigyan ng access sa health services ang mga kapos-palad na cancer patients, wika ni House Speaker Lord Allan Velasco noong Linggo.

“With this funding, the government can now provide cancer patients with better access to more responsive and affordable health care services,” pahayag ni Velasco.

Dagdag pa nito, “Certainly, the economic burden of cancer care and treatment is overwhelming and it has the potential to drive Filipino families deeper into poverty.”

Ang NICC Act, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019, ay nagtatag ng National Integrated Cancer Control Program na magsisilbing framework para sa lahat ng cancer-related activities ng pamahalaan. Layunin nitong tiyakin ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan at financial risk protection para sa cancer patients.

Inihayag naman ng Department of Health (DOH) noong 2019 na palalawigin ng batas ang Philippine Health Insurance packages para sa mga Pilipinong na-diagnose ng cancer at ipinag-uutos din nito ang pagtatayo ng Philippine Cancer Center.

Batay sa datos ng Global Data on Cancer, sinabi ng DOH na mahigit 140,000 na mga panibagong cancer cases at mahigit 80,000 cancer deaths ang inaasahan sa Pilipinas kada taon. Ang breast cancer ang pinakapopular na uri ng cancer sa mga Pilipino na sinundan naman ng lung, colon, liver, at prostate. Samantala, nangunguna naman ang lung cancer bilang cause of death sa iba pang cancers na sinundan naman ng liver, breast, colon, at leukemia.

110,000 Pilipino ang nada-diagnose umano bawat taon, habang ang death toll mula sa sakit ay umaabot nang 66,000 bawat taon.

Batay sa datos ng Cancer Coalition Philippines, sinabi naman ni Velasco na ang breast ultrasound ay naglalaro nang ₱600 hanggang ₱3,000, habang ang colonoscopy ay mula ₱1,500 hanggang ₱14,000 exclusive ng professional fees.

Samantala, ang chemotherapy per session ay nagkakahalaga nang ₱20,000 hanggang ₱120,000 o higit pa.

LATEST

LATEST

TRENDING