TRB: 90% ng tollway transactions, cashless na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ayon sa Toll Regulatory Board, 90% ng tollway transactions sa ngayon ay cashless na.

Sinabi ni TRB Executive Director Abraham Sales noong Sabado na tumaas ang cashless operations mula 35% hanggang mahigit 90% sapagkat mas maraming motorista na ang nagparehistro para sa RFID (radio-frequency identification).

Binigyang diin din ng opisyal na walang magiging pagbabago sa kanilang anunsyo na tatanggapin pa rin ang cash sa tollways hangang Enero 11, 2021.

Nakahanda rin umano ang TRB na ipaliwanag at sagutin ang mga katanungan mula sa mga mambabatas kaugnay ng mga isyu sa RFID.

Aniya, “Kami po naka handa naman kung ano ang kanilang tatanungin. Karapatan naman po ng mambabatas na alamin kung ano ang problema.”

LATEST

LATEST

TRENDING