Pfizer/BioNTech vaccine, pasado sa isang step kasabay nang pag-isyu ng US FDA ng emergency use authorization

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Reuters

Habang nakapag-iisyu na ang US Food and Drug Administration ng emergency use authorization para sa kauna-unahang coronavirus vaccine ng Amerika simula Biyernes, nagbabalak naman ang mga opisyal ng pamahalaan na bakunahan na ang mga tao at kumbisihing magpabakuna ang mga may agam-agam tungkol sa vaccination.  

Hinikayat ni Operation Warp Speed Chief Adviser Moncef Slaoui ang mga Amerikano noong Biyernes na tingnan ang numero na nagpapakita sa pagiging epektibo ng Pfizer at BioNTech vaccines.

“We have to go out there and engage with all of the leadership at all levels in our communities to help explain the features with of the vaccine, its performance, and hopefully engage with people and convince them,” ani Slaoui.

Dagdag pa nito, “Frankly, we couldn’t do it effectively before because we couldn’t be very specific.”

Idiniin ng opisyal na ang mga ekspertong nagre-review sa datos ng Pfizer vaccine ay nagsabing may “exceptional efficacy” ang bakuna at mayroong “excellent safety profile that is comparable to many approved vaccines.”

Kinumpirma naman ng isang Pfizer spokesperson na binigyan na sila ng emergency use authorization alinsunod sa rekomendasyon ng Vaccines and Related Biological Products Advisory Committee ng FDA..

Pinapahintulutan ng EUA ang mga opisyal na i-ship ang mga bakuna, subalit hindi pa maibibigay ang bakuna hangga’t irekomenda ang mga ito ng Advisory Committee on Immunization Practices (ACIP) ng CDC.

Nakatandang magpulong ang ACIP 11 a.m. ng Sabado upang pagbotohan ang pagrekomenda sa nasabing bakuna. Ang huling hakbang sa approval process ay ang pahintulot mula sa CDC. Puwede nang ibigay ang injections sa loob ng ilang araw.

Samantala, binibigyang prayoridad na ng mga gobernador kung sinu-sino ang mga unang bibigyan ng bakuna sa kani-kanilang mga states. Inaasahang mauuna sa pila ang healthcare workers at bulnerableng sektor.

Ang mga states ay makatatanggap ng Pfizer vaccine shipments isang beses bawat linggo na mag-uumpisa kapag na-roll out na ang mga bakuna, dagdag pa Slaoui.

Ang bilang ng mga bakuna at tataas “week-on-week” dahil sa pagpapaigting ng manufacturing, giit ni Slaoui.

Bibigyan naman ng abiso ang mga gobernador mas maaga nang isang linggo kung ilang doses ang maaari nilang asahan.

LATEST

LATEST

TRENDING