NTC, nais patawan ng mas malaking multa ang pasaway na telcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nais ng National Telecommunications Commission (NTC) na magpatupad ng mas mataas na multa para sa telco companies na hindi makakasunod sa mga ipinangako nitong serbisyo, dahil wala umanong epekto

Sa isang online briefing, nihayag ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios na ang penalties para sa mga pasaway na service providers ay ₱200 kada araw na multa o di kaya ay suspensyon o cancellation of authority.

“Medyo malayo ho kasi yung diperensya ng dalawa, no? That’s the reason why humihiling kami sa Kongreso na kung pupwede ay taasan yung penalty, yung masasaktan sila,” ani Cabarios.

Sa isang naunang briefing, hnikayat naman ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang Kongreso na taasan ang mga multa para sa mga kumpanyang hindi makatutugon sa kanilang mga ipinangakong serbisyo nang ₱2 milyon “per violation per day.”

Ang ₱200 na multa umano noong 1936, kung kailan ipinasa ang batas, ay katumbas na nang ₱1.5 milyon hanggang ₱2 milyon ngayong araw.

May mga panukalang batas na ring inihain sa Kamara at Senado para sa mas mataas na penalties sa mga kumpanyang hindi tutupad sa kanilang mga pangako, subalit nananatiling pending ang mga ito.

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local providers na Smart at Globe nang hanggang ngayong buwan upang isaayos ang serbisyo, kundi ipasasara o panghihimasukan ang mga ito ng pamahalaan.

Ayon kay Cabarios, nag-improve na ang internet speed ng bansa, subalit hindi umano ganoon ka “importante” ito.

Umaasa ang opisyal para sa mas mabilis na speed sa dulo ng buwan, sapagkat mas marami nang cell sites ang naipatayo sa panahong iyon alinsunod sa hakbang ng pamahalaan na pabilisin ang approval ng permits para sa pagpapatayo ng cell sites sa buong bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING