NTC, susuriin kung may improvement sa kalidad ng internet sa dulo ng taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) noong Biyernes na susuriin nito kung nagkaroon ng improvement sa internet speeds sa bansa sa pagtatapos ng buwan, kung saan inaasahang makukumpleto ng providers ang pagtatayo ng panibagong cell sites. Kadalasang nagtatagal nang tatlong buwan ang pagtatayo ng mga nasabing sites.

“Nakikita naman po natin na pataas e, pataas iyong average speed so mayroon pong improvement. Iyon nga lang, hindi gaanong substantial ang improvement,” ani NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios.

Dagdag pa nito, “Makikita po natin by December… by end of this month kung mayroong mas malaking improvement sa speed compared to November kasi by that time dapat marami nang cell sites ang naitayo.”

LATEST

LATEST