Mga ospital, dapat paghandaan ang mga pasyenteng may allergy kontra Covid-19 vaccine: Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III noong Biyernes na dapat maghanda ang mga ospital sa pagbibigay ng gamot sa mga pasyenteng magpapakita ng allergic reactions matapos mabakunahan kontra Covid-19.

Ang mga nasabing allergic reactions o adverse effect following immunization (AEFI) ay dapat i-document, giit ng kalihim.

Aniya, “Dapat paghandaan din kung magkaroon ng ganun, kailangang handa ang mga ospital na makapagbigay ng mga gamot katulad ng epinephrine o adrenaline.”

Nagbabala ang Health officials sa United Kingdom noong Miyerkules na ang mga may history ng allergic reactions ay hindi dapat bigyan ng Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccine shot sa ngayon matapos magpakita ng malalang allergic reactions sa nasabing bakuna ang dalawang pasyente.

“Sinasabi nga nila sa advisory nila kung meron kang tukoy na allergy, ke sa gamot, ke sa pagkain, sa ibang bagay, wag ka na lang munang magpaturok kasi nga posibleng magkaroon ng malubhang allergy, mauwi sa anaphylactic shock na pwedeng magkaproblema,” wika ni Duque.

Ang bakuna kontra Covid-19 ay posibleng dumating sa bansa sa una o ikalawang quarter ng 2021.

“Best case scenario baka mga March, towards the end o the first quarter of 2021, o mga second quarter na mga April. Sa ngayon yun global supply ‘di pa akma sa demand. Patuloy ang paglilikha ng bakuna ng mga naturang vaccine manufacturing companies,” paliwanag ni Duque.

LATEST

LATEST

TRENDING