Lacson, tutol sa pag-extend ng 2020 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Panfilo Lacson

Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson noong Biyernes na kumikiling siyang bumoto laban sa panukalang palawigin ang validity ng 2020 badyet nang isa pang taon upang pigilan ang mga ahensyang maging kampante sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Bagama’t “reasonable” ang pag-extend ng validity ng 2020 badyet dahil sa Covid-19 pandemic, dine-delay umano ng mga mambabatas ang expiry ng unappropriated funds bago pa man ang pandemiya, ayon kay Lacson sa isang online press conference.

Aniya, “Probably I won’t agree anymore to another extension of the validity of the budget para naman madisiplina ‘yung mga agencies na mag-implement sila within the time frame na binigay sa kanila ng General Appropriations Act.”

“Parang ine-encourgae mo ‘yung complacency na, ‘Anyway, ie-extend naman ng mga congressman, mga senador ‘yan so bakit tayo magmamadali na mag-implement o mag-obligate?’ Yun ang nangyayari,” giit nito.

Sa ilalim ng cash-based budgeting system, ang hindi nagamit na mga pondo sa ilalim ng taunang badyet ay mag-e-expire at ibabalik sa National Treasury sa dulo ng bawat taon.

Noong 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang joint congressional resolution na nagpalawig sa validity ng ilang bahagi ng 2018 budget hanggang Disyembre 2019 matapos hindi makapaglabas ng pondo ang ilang departamento para sa ilang proyekto.

Sa pag-uumpisa ng taon, pinirmahan din ni Duterte ang isang batas na nag-extend sa validity ng 2019 badyet hanggang Disyembre 31, 2020 sapagkat na-delay ang pagsasabatas ng 2019 badyet bunsod ng bangayan ng mga kongresista hinggil sa alokasyon para sa kani-kanilang mga distrito.

“Nagca-cash base tayo na budgeting system and yet hindi naman natin kaya i-implement in one year,” ani Lacson.

Dagdag pa ng senador, “So when will this end? Gawin na lang ulit natin na may continuing appropriations kung ganiyan din lang.”

Si Lacson ang tanging mambabatas na kumontra sa ratipikasyon ng 2021 national budget dahil sa pagbiibigay aniya ng prayoridad sa imprastraktura sa halip na Covid-19 response.

LATEST

LATEST

TRENDING