Lacson, pinuna ang ₱28-B pagtaas ng bicam sa DPWH budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Sen. Panfilo Lacson

Patuloy na kinuwestyon ni Sen. Panfilo Lacson noong Huwebes ang bicameral report na nagtaas sa 2021 badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH), dahil posible umano itong gamitin para sa pangangampanya.

May agam-agam din ang senador kung bakit tinaasaan ang badyet ng ahensya bagama’t mayroon itong hindi magandang disbursement record.

Inaprubahan ng bicameral conference committee ang badyet noong Miyerkules, habang hiwalay na niratipikahan ng Senado at Kamara ang proposed national budget.

Ang DPWH ang ikalawang ahensyang may pinakamataas na badyet para sa 2021 sa ₱694.8 bilyon, kasunod ng ₱708.2 bilyong pondo ng education sector.

Idiniin ni Lacson na tinaasan ng bicameral conference committee ang alokasyon ng ahensya nang ₱28.3 bilyon kumpara sa inisyal nitong ₱666.5 bilyon sa ilalim ng National Expenditure Program. Ito ay sa kabila ng hindi magandang kasaysayan ng DPWH hinggil sa unused appropriations na nagkakahalaga ng ₱81.9 bilyon mula 2011 hanggang 2018, at disbursement rate nang 37.8% lamang.

“What is the logic of further increasing the budget of the agency in 2021 considering the challenges brought about by the pandemic?…What is the logic of further increasing the budget of an agency with such low utilization record?” giit ni Lacson noong Miyerkules sa plenaryo.

Inirekomenda naman ng senador na i-realign sa ibang sektor ang hindi bababa sa ₱60 bilyong badyet ng DPWH na inilaan para sa pagtatayo ng multi-purpose buildings. Pinuna ni Lacson kung bakit halos 800 line times para sa mga naturang gusali ay may kaparehong ₱1-milyong pondo bawat isa.

Aniya, “I will not mention anymore the locations because I don’t want to put some people on the spot. Suffice it to say that I know where additional funds for MPBs went to, or are intended to be appropriated. So let’s leave it at that.”

Ayon naman kay Senate finance committee chair Sonny Angara, ang bicameral report ay isinakatuparan alinsunod sa isang “collegial” decision.

Tinanggihan naman ni House appropriations committee chair Eric Go Yap ang mga paratang ni Lacson na ilang distrito, lalo na ang mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco, ay nakakuha ng mas malaking alokasyon para sa imprastraktura. Ang badyet umano ng bawat distrito ay naaayon sa pangangailangan ng mga ito.

LATEST

LATEST

TRENDING