Senado, ipatatawag si Tugade para sagutin ang mga isyu sa RFID

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jansen Romero (Manila Bulletin)

Ipinahayag ni Sen. Grace Poe noong Huwebes na ipatatawag si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa Senado upang sagutin ang mga “nakadidismayang karanasan ng mga motorista” na dumadaan sa toll booths gamit ang “ill-studied” na cashless transaction system.

Kinakailangang humarap ni Tugade sa mga senador upang ipaliwanag kung bakit pinilit ng DOTr ang toll operators na ipatupad ang full cashless transaction scheme habang may mga isyu pa sa likod ng radio-frequency identification (RFID) system.

“We are asking the DOTr to suspend the full implementation of the 100-percent cashless transaction it compelled toll operators,” pahayag ni Poe, pinuno ng Senate Committee on Transportation.

Dagdag pa ng senadora, “The system isn’t completely ready.”

Naging talamak ang reklamo ng mga motorista sa kilu-kilometrong pila sa toll plazas para sa pagpapakabit ng RFID stickers, at iniuulat din kung paano hindi nababasa ng sensors ng toll both ang mga nasabing stickers na nakadikit sa windshields ng mga sasakyan.

Kinuwestyon din Poe kung bakit nire-require ng toll operators ang mga motorista na magkaroon ng P500-minimum load requirement.

Aniya, “That minimum load is a big amount for some, especially if the toll they need to pay is just less than P100.”

“That minimum load is even higher than the minimum wage,” dagdag pa ni Poe.

Ang resolusyon ni Poe ay inihain ilang araw matapos namang maghain ni Sen. Sherwin Gatchalian ng kaparehong hakbang.

Ang kapatid ni Gatchalian na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ay unang sinuspinde ang business permit ng operator ng North Luzon Expressway matapos hindi naresolba ng kumpanya ang technical issues sa RFID system nito na nagdulot ng matinding trapiko sa lungsod

LATEST

LATEST

TRENDING