Roque: PH, tiyak na may suplay ng Covid-19 vaccines mula sa 3 brands

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hindi mahuhuli ang Pilipinas sa kompetitsyon para makabili ng Covid-19 vaccines kahit “kino-korner” ang suplay ng mga ito ng mayayamang bansa, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Huwebes.

Inamin nitong isa ang Pilipinas sa mga mahihirap na bansang nagkukumahog na makabili ng bakuna, subalit tiniyak na nakakuha na ang bansa ng supplies mula sa tatlong manufacturers.

Aniya, “Hindi tayo nahihirapan. kaya lang ang katotohanan pero ang mas mayayamang bansa, kino-korner ang supply. Pero mayroon tayong pamamaraan.”

Ayon kay Roque, nakipagkasundo ng ang Pilipinas sa Sinovac at Pfizer, kabilang ang tripartite deal para sa pagbili ng 2.6 milyong shots ng AstraZeneca vaccine. Ang Sinovac naman aniya ang kauna-uanahang bakunang idi-distribute sa bansa sa unang quarter ng 2021. Ang Pfizer deal, na pinangunahan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at US Secretary of State Mike Pompeo, ay inaasahang maisasakatuparan sa ikalawa o ikatlong quarter.

Hindi naman ibinunyag ng opisyal kung ilang doses ng bakuna mula Sinovac at Pfizer ang na pre-purchase o kung magkano ang ginastos ng bansa para rito dahil sa non-disclosure agreements.

Bukod sa AstraZeneca deal na pinondohan ng pribadong sektor, hindi pa nagbubunyag ang pamahalaan ng kahit anumang pagbili ng bakuna. Unang sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ido-donate ng China at Australia ang extra vaccines nila sa Pilipinas.

Layunin ng pamahalaan na bakunahan ang hindi bababa sa 60 milyong Pilipino sa susunod na tatlo hanggang limang taon. Idiniin ni Roque na ang ₱72.5 bilyong inilaan sa ilalim ng 2021 national budget para sa pagbili ng Covid-19 vaccines ay higit pa sa sapat, lalo na’t maaari itong makuha ng bansa sa pamamagitan ng loans.

LATEST

LATEST

TRENDING