Pinuno ng NBI counter-terrorism, patay mula sa pamamaril

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Patay sa pamamaril ang pinuno ng Counter-Terrorism Division ng National Bureau of Investigation, kinumpirma ng mga awtoridad noong Martes.

Batay sa ulat ng Manila Police District, natagpuang may sugat sa tiyan dahil sa tama ng baril si Raoul Manguerra, 11:39 p.m. noong Lunes.

Siya ay sinugod sa Manila Doctors Hospital subalit idineklarang patay noong 12:02 a.m. ng Martes.

Agarang isinailalim sa lockdown ang tanggapan ng NBI matapos ang insidente. Sinabi naman ni NBI deputy director at spokesperson Ferdinand Lavin na ipinag-utos na ng NBI director ang masusing imbestigasyon bunsod ng pagkasawi ni Manguerra.

Aniya, “The NBI is in a deep state of mourning. We condole with the family, relatives and friends of Chief Manguerra.”

Nakasaad din sa police report na sinabi ng partner ng biktima na si Atty. Ma. Rosario Bernardo, na ang 49-anyos na si Manguerra ay mayroong stage 3 colon cancer.

Samantala, sa isang pahayag, hiniling ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI na “mariing suriin  ang lahat ng posibleng anggulo.

“Baka tonight may linaw na ‘yan. But one thing [is] sure, the DOJ and the NBI have suffered another major loss,” wika ng kalihim.

LATEST

LATEST

TRENDING