Palasyo, tinanggihang ngayon lang nakita ni Duterte ang kahalagahan ng testing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hindi sumang-ayon ang Malacañang noong Martes na kamakailan lamang napagtanto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng Covid-19 testing.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na palaging binigyang prayoridad ng bansa ang testing capacity nito, tulad ng pagtatalaga kay testing czar Vince Dizon para pangasiwaan ang testing.

“We’ve always given priority to testing,” ani Roque sa isang media briefing.

Sinabi ni Duterte noong Lunes na kamakailan lamang niya napagtanto ang kahalagahan ng pag-detect ng mga impeksyon at pagbaba ng testing costs upang mapigilan ang paglaganap ng virus. Ipinanawagan ng mga mamamayan at eksperto ang mass testing noon pang Abril.

“Alam mo ang importante pala, sa totoo lang and I realize now, it’s the testing,” wika ni Duterte noong Lunes, kung saan pinaulanan ito ng pambabatikos.

LATEST