Kongreso, isasapinal ang 2021 badyet ‘ngayong linggo’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nakatakdang “plantsahin” ng Kongreso ang pinal na bersyon ng P4.5-trilyong 2021 General Appropriations Act (GAA) para papirmahan na kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isang mambabatas na kabahagi ng bicameral deliberations sa 2021 badyet.

Sinabi ni House Appropriations Committee chair Eric Go Yap noong Martes na nakatakdang tapusin ng bicameral conference committee ang pagsasapinal sa bersyon ng badyet mula Senado at Kamara “ngayong linggo,” kung saan ang pinal na ratipikasyon sa inaasahan sa Miyerkules.

“Bale ngayon, fina-finalize na lang namin, kasama ang Senate. Magkasama ulit kami mamaya. Fina-finalize na lang namin ang few details. Pero bukas, magkakaroon kami ng bicam ulit. Pagkatapos nun, isasara na namin. Yung report, ilalabas na namin bukas, and then sa hapon, ira-ratify na ng both Houses,” ani Yap.

Ipinaliwanag ni Yap na nais nilang isapinal ang badyet bago mag-Christmas break ang Kongreso pagsapit ng Disyembre 18.

Aniya, “It will depend talaga sa printing office. As we all know, sa printing office ngayon, maraming mga nagka-COVID, so skeletal sila. Kung kakayanin ng 7 days printing, papasok kami ng December 18, yung libro. If not naman, before Christmas pa rin. Maybe, December 21.”

Kinumpirma ni Yap na ang bicameral panel ay kumuha ng pondo palayo mula sa mga congressional districts kung saan itinuring ang mga infrastructure projects bilang “unimplementable” upang mapondohan ang iba pang pandemic-related programs.

“Tulad ng mga sinasabing hindi naman implementable… Kasi tulad nung mga projects na magsisimula pa lang pero ang laki ng budget, hindi naman matatapos ngayong taon at hindi naman ganun na priority, nililipat namin siya sa mga priority tulad sa HFEP (Health Facilities Enhancement Program), mga hospitals, yung mga equipment ng hospitals para ma-equip pa lalo, para matugunan ang COVID-19 natin,” sabi ni Yap.

Habang hindi isiniwalat kung aling mga distrito ang naapektuhan ng realignments, binanggit ni Yap na nakakuha ng mas maraming pondo ang mga binagyong lugar.

Aniya, “Hindi kasi kami tumingin sa districts pero marami-rami siya. Nag-base kami talaga doon sa mga implementable at mga suitable. At nilagyan namin yung mga calamity-hit areas as promised tulad sa Cagayan.”

LATEST

LATEST

TRENDING