Duque at Duterte, sang-ayon na maunang magpabakuna ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Health Secretary Francisco Duque III

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng umarangkada na sa Marso 2021 ang Covid-19 vaccination program ng bansa dahil sa pagpasa ng mga vaccine developers sa regulatory requirements para sa clinical trials.

Sang-ayon naman sina Duque at Pangulong Rodrigo Duterte na unang magpabakuna ng Covid-19 vaccine upang pawiin ang agam-agam ng publiko tungkol sa lunas laban sa nakamamatay na sakit.

Sa isang pahayag noong Linggo, sinabi ni Duque na nais niyang mabakunahan kung sumailalim na sa evaluation ang mga vaccines.

Aniya, “Sure, I will have myself vaccinated once the Vaccine Expert Panel of the DOST and FDA’s regulatory and technical evaluation determine the safety quality and effectiveness of the vaccines.”

Naunang hinamon ni Senador Bong Go sina Duque at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maunang magpabakuna upang hikayatin ang mga Pilipino na sumunod kapag naging available na ang mga gamot sa susunod na taon. Hindi pa nagbibigay ng tugon si Galvez sa panawagan ni Go.

Sa kasalukuyan, nakakuha na ang Pilipinas ng 2.6 milyong doses ng bakuna kontra Covid-19 mula sa British drugmaker na AstraZeneca sa tulong ng pribadong sektor.

Nakatakda ring tumanggap ang bansa ng doses mula sa Sinovac ng China at Gamaleya Institute ng Russia simula first quarter ng 2021 alinsunod sa “advanced” supply negotiations, base naman sa unang naging pahayag ni Galvez.

LATEST

LATEST

TRENDING