PRRD, nakiramay sa pagpatay sa Los Baños mayor, subalit tinaggihang siya ang gumawa ng ‘narco list’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez
Larawan mula sa: Municipal Government of Los Baños Facebook page

Nakiramay noong Lunes si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng pinatay na si Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez, subalit tinanggihang siya ang responsable sa pagpapabilang sa alkalde sa ilalim ng “narco list.”

“‘Yung mga anak ni Perez, first of all, I’m sorry that your father died in the way it happened. Pero kung sabihin mong may…’yang listahan na ‘yan, hindi akin ‘yan. It’s a collation, lahat lahat na ‘yan, sa intelligence report, sa mga drug enforcement, at sa intelligence ng military, police. It’s a combination,” ani Duterte sa kanyang lingguhang public address.

Iginiit din ng pangulo na hindi niya kilala nang personal si Perez at hindi niya aniya maalalang binasa ang pangalan nito mula sa nasabing listahan.

Aniya, “Hindi ko kilala ‘yung tatay ninyo. Hindi ko nga nabasa, I don’t remember. Well, ‘yung cursory reading lang, pero wala akong minemorize na mga tao doon sa listahan.”

“I’m sorry if your father was there, but really, most of those, nasa droga talaga. Your father might be an exception, if you believe firmly that he was not guilty or liable of anything, well that’s good. But the problem, his name, umabot sa listahan,” dagdag pa ni Duterte.

Binigyang diin naman ni Duterte na tungkulin niyang ipagbigay-alam sa mga Pilipino ang tungkol sa mga opisyal na sangkot sa iligal na droga, upang hindi na sila mahalal pa.

Aniya, “Hindi sa akin ‘yan. Ibinigay lang sa akin. Hindi ako gumagawa ng listahan, hindi ako pulis, hindi ako intelligence. Nandito lang ako sa opisina ko sa Pasig, nagta-trabaho.”

“As a matter of an obligation, I had to come up with the name of those suspected so that the public will be aware and prevent their ascension to public office. ‘Yun ang purpose ko doon,” dagdag pa ng presidente.

Si Perez ay pinagbabaril sa loob ng munisipyo ng Los Baños noong Huwebes ng gabi.

Noong nakaraang taon, napabilang ang alkalde sa listahan ng administrasyon ng mga pulitikong may kaugnayan umano sa iligal na droga.

Tinanggihan naman ni Perez na sangkot siya sa bentahan ng iligal na droga at sinabing “unfair” ang listahan at may bahid ito ng pamumulitika.

Matapos ang pagkamatay ni Perez, pumalo sa 22 ang bilang ng mga alkaldeng napapatay sa ilalim ng Duterte administration.

LATEST

LATEST

TRENDING