Duterte, pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang Christmas parties ngayong may pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa pagsapit ng Kapaskuhan, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino noong Lunes na iwasan ang mga Christmas parties at iba pang pagtitipon ngayong taon upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 sa bansa.

“You have had so many Christmas blowouts and parties. This one Christmas, the only Christmas maybe, that government will interfere in your private affairs. You might think, ‘this is too much, government does not control us.’ Of course, we cannot control you individually, if what you do is what you want,” paglilinaw ni Duterte.

“Would you be kind enough to skip the…festivities? Iwasan muna ninyo. Avoid it because it is for your own good and for the good of the community, and eventually, for the good of your own country,” giit ng pangulo.

Unang sinabi naman ni Interior Sec. Eduardo Año noong Lunes na ang mga local government units at health officials, partikular na sa Metro Manila, ay naghahanda sa striktong implementasyon ng minimum health standards at quarantine protocols ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Inihayag ng Department of Health (DOH) noong nakaraang buwan na naghahanda ito para sa posibleng surge sa bilang ng Covid-19 cases sa bansa matapos ang panahon ng Kapaskuhan.

Ayon naman kay DOH Sec. Francisco Duque III, gagawa ang ahensya ng isang contingency plan na magbibigay awtoridad sa health authorities at iba pang opisyal na rumesponde sakaling magkaroon ng “post-holiday season surge” ng Covid-19 cases sa bansa.

Ipinatupad ng DOH ang Department Circular 2020-0355, o ang Reiteration of the Minimum Public Health Standards for Covid-19 Mitigation sa panahon ng Kapaskuhan, upang paalalahanan ang mga Pilipino na patuloy na obserbahan ang coronavirus policies, tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face masks at face shields, at madalas na paghuhugas ng kamay sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa ilalim ng circular, ang mga aktibidad tulad ng caroling, shopping sa mga matataong lugar, malawakang indoor gathering, pagsakay sa punong sasakyan, at iba pang mga aktibidad na may physical contact ay mariing hindi inirerekomenda.

LATEST

LATEST

TRENDING