PRRD, iginiit na magre-resign kung pormal siyang aakusahan ng katiwalian

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na magre-resign siya kung pormal siyang aakusahan ng kahit sino na tumatanggap siya ng suhol – at kung totoo ang mga alegasyon.

Aniya, “Maraming haka-haka diyan na kami, mga Cabinet members, ako tumatanggap ng pera. Look, I give you this guarantee. Magdala ka lang ng tao at sabihin mo nagbigay siya ng piso sa’min, mag-resign ako bukas.”

“Just one person, one affidavit. Walang imbento. ‘Yung totoo na sinabi na may tinanggap kaming pera. You just bring him…before the public and announce it. If true, I will tender my resignation as President of this republic. That is my guarantee to you. Basta totoo. Do not lie,” dagdag pa ng pangulo.

Idiniin ng pangulo na “papatayin” niya ang maghahain ng maling akusasyon sa kanya o sa mga miyembro ng kanyang Gabinete.

“As far as I’m concerned, they’re all honest. At kung meron, sabihin mo in public, and I will ask that Cabinet member to resign immediately,” giit ni Duterte.

Paulit-ulit nang sinabi ng pangulo na magre-resign siya dahil sa kanyang “frustration” bunsod ng kurapsyon sa pamahalaan.

Subalit, noong nakaraan, dinipensahan ni Duterte ang ilan sa kanyang mga Cabinet members na nasangkot sa kurapsyon.

Isa na rito ay si Health Secretary Francisco Duque III na ilang beses nang ipinagtanggol ni Duterte dahil sa pagkakasangkot umano ng kalihim sa mga anomalya ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Dinipensahan din ni Duterte si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa anumang pagkakadawit nito sa iligal na mga aktibidad, matapos punain ng mga senador ang pagkakaroon ng tinatayang nasa P345.25-bilyong lump sum na nakalaan sa proposed 2021 budget ng DPWH.

Ibinunyag din na ilang mga mambabatas at opisyal ng ahensya ang umano’y nanghihingi ng “kickback” mula sa mga contractor na nakakuha ng proyekto mula sa pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING