NTC, nais paikliin ang processing time para sa permits ng fiber optic cable networks

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nais ng National Telecommunications Commission (NTC) na paikliin din ang processing time para sa installation ng fiber optic cable networks upang mas mapaigting ang serbisyo ng internet.

Batay sa bagong mga pamantayang ipinatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) pati na rin ang Bayanihan to Recover as One Act, inatasan ang mga local government units (LGUs) na pabilisin ang approval ng permits para makapagpatayo ng cell sites sa buong bansa –  isang isyu na binanggit ni Globe president at chief executive officer Ernest Cu kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Agosto.

“Gusto rin po sana naming mangyari ito sa fiber optic cable permits,” giit ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa Senate public services committee noong Lunes.

“Fiber optic is very important because they provide the fundamentals for telecommunication complementing the shared base tower infrastructure,” dagdag pa nito.

Pinapahintulutan ng fiber optics ang long distance at high-performance connections na dumadaloy sa mga linyang singkapal lamang ng hibla ng buhok. Dahil sa pagpapagaan ng tower permit rules, nakapagpatayo aniya ang Globe ng 661 na mga bagong towers o tinatayang nasa 132 bawat buwan, taliwas sa average na 92 towers noong 2019. Nakapagpatayo naman ang Smart ng 313 towers sa nakalipas na limang buwan. Ang kabuuang bilang ng towers ay nasa 10, 270 na para sa Globe at Smart, kontra sa 2,066 na ipinatayo ng Dito sa loob lamang ng hindi aabot ng isang taon.

Subalit, nanguna ang PLDT sa fiber optic footprint, wika ng NTC, kung saan mayroon itong 422,290 kilometers ng high-speed internet platform na nakalatag sa buong bansa. Ang Globe ay mayroong 66,518 km; Converge ICT Solutions ay may 33,000 km; habang ang Dito ay mayroong 13,152 km.

Sinabi ng NTC chief na may mga improvement tungkol sa internet speed simula 2016. Subalit, iginiit ng ahensya na nahihirapan pa rin ang ilang telcos dahil sa pagkontra ng ilang barangay o subdivision tungkol sa pagpapatayo ng cell site sa kanilang mga lugar.

Batay sa datos ng Ookla Speedtest Global Index, bumilis ang connectivity para sa broadband nang average na 28.69 Megabits per second (Mbps) noong Nobyembre, mula sa low base na 7.91 Mbps noong Hulyo 2016. Para naman sa mobile internet, nag-improve ang koneksyon nang 18.49 Mbps mula sa from 7.44 Mbps noong nag-uumpisa pa lamang ang termino ni Duterte.

Binanatan ng pangulo ang Smart Communications at Globe Telecom sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), ay nagbantang panghihimasukan ang operasyon nito kung wala pa ring pagbabago sa dulo ng taon.

Para mas mapabuti ang serbisyo ng internet, iminungkahi ni Cordoba na dapat din aniyang ikonsidera ng pamahalaan ang pag-rollout ng telecom infrastructure, tulad ng ginagawa sa ibang bansa kagaya ng paggawa ng pisikal na kalsada.

Sinabi rin ni Cordoba na nag-umpisa nang mag-invest ang Smart at Globe sa kanilang imprastraktura noong 2018, o noong panahong nagsasagawa ng bidding process ang gobyerno para sa ikatlong telco player ng bansa.

Ang Dito Telecommunity ng negosyanteng si Dennis Uy ay ginawaran ng Certificate of Public Convenience noong Hulyo 2019, bagama’t ang rollout nito ay itinakda sa Marso 2021 dahil sa panahahalasa ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST