Duterte, posibleng ipagbawal ‘nang buo’ ang mga paputok

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: PNP Tacloban City

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na posible niyang ipagbawal “nang buo” ang paggamit ng paputok at pyrotechnics sa bansa, lalo na sa Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ng pangulo sa isang public briefing noong Lunes ng gabi na posible niyang ipagbawal ang paputok at pyrotechnics pagsapit ng Disyembre sa susunod na taon.

“It’s really a dangerous thing, and for reasons of public safety and health,” ani Duterte.

Dagdag pa nito, “By mid-year, I may issue the necessary documents banning totally, totally banning paputok.”

Ibinigay na halimbawa ng pangulo ang ban sa Davao City, na kanyang ipinag-utos noong siya pa ang alkalde noong 2001.

Aniya, “Kagaya sa amin, sa amin maganda man. New Year, Pasko, we celebrate it with the family. May music, lahat na. Gaiety and all. Walang nasusugatan, walang namamatay.”

Nagbabala rin ang pangulo laban sa mga Pilipinong pinapaputok ang kanilang mga baril bilang pampaingay sa Pasko at Bagong Taon.

“I’m reminding policemen, military men and civilians — licensed or not — holding firearms, do not [try]. Do not,” giit ni Duterte.

“Kapag nahuli ka dito sa pagpaputok mo…papahirapan kita. Kung sa New Year ka magpapaputok… papahirapan kita. Sabihin ko sa mga pulis, ‘wag niyong linisin mga kubeta niyo sa preso…wag niyo linisin sa Pasko pati New Year.’ Kasi diyan ko ipasok ‘yung mga p*********g ‘yan,” diin nito.

Paglilinaw ng pangulo, “That’s an order. Do not clean.”

Noong Enero, iniulat ng Department of Health (DOH) na ang firecracker-related injuries ay nabawas sa 35 percent mula Disyembre 21, 2019 hanggang umaga ng Enero 1, 2020.

Ayon naman kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang inilabas na executive order ni Duterte noong 2017 na naglimita sa paggamit ng paputok sa bansa ang dahilan sa pagbuti ng sitwasyon, pati na rin ang information campaign ng DOH.

LATEST

LATEST

TRENDING