DITO franchise renewal, tinanggihan ng komite sa Senado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tinanggihan ng Senate Committee on Public Services noong Lunes ang franchise renewal ng DITO Telecommunity, sapagkat dapat aniyang patunayan muna ng ikatlong telco na kaya nitong ibigay ang mga “ipinangakong” serbisyo.

Ang DITO – isang consortium ng Udenna Corp. ng negosyanteng si Dennis Uy at ng China Telecom – ay unang nangakong magbibigay ng hindi bababa sa 27 mbps na internet speed sa 37 percent o tinatayang nasa 7,425 barangays sa unang taon ng serbisyo.

Inaasahan namang lalawak ang coverage nang 50 percent sa ikalawa nitong taon, 70 percent sa ikatlong taon, at 84 hanggang 90 percent sa ikaapat na taon, paglilinaw ni DITO Chief Administrative Officer Adel Tamano.

“When DITO applied for this franchise, they should have had the forecast of what they were going to spend,” sabi naman ni Senate Committee on Public Services chair Sen. Grace Poe sa ginanap na pagdinig sa franchise ng telco.

Aniya, “They should be able to provide the initial commitment they made if they are able to do that, then we will give them the additional 25 years.”

Idiniin naman ni Tamano na ang viability ng DITO ay dedepende sa kung ano ang magiging reaksyon ng publiko sa kanilang mga serbisyo, na ipinangako ng kumpanya na magiging mas mabilis at “mas abot-kaya” kumpara sa Smart at Globe.

“For this year and next year, we are confident we have sufficient funding. What will be truly critical… is that we have our services next year,” wika ni Tamano sa mga senador.

Dagag pa nito, “There will be more viability in our enterprise if our franchise is approved.”

Sinuportahan naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang panukala ng DITO na i-renew ang 25-year franchise nito bago mag-expire ang kasalukuyan nitong lisensiya sa 2023 habang sinabing karamihan ng mga franchise applicants ay nakakukuha lamang ng loans kapag naaprubahan na ang mga permits.

“We have a lot of applicants that are shell companies as of this time,” sabi ni Zubiri.

Aniya, “Without the approval of the loans, hindi nila magagawa lahat ‘yan [deliverables]. Hindi naman sila as big as Ayala or MVP (Manny V. Pangilinan).”

“They should not have anticipated that they will get a renewal of their franchise unless they are able to produce the commitments that they were able to make,” sabi naman ni Poe.

Dagdag pa ng senadora, “What we’re trying to prevent here is other applicants will anticipate a renewal and they are not anymore rolling out unless they get that renewal of the franchise. I don’t want a committee to be a hostage of that.”

“We’re just here to safeguard the commitments made to the government,” giit nito.

Sumang-ayon naman si Zubiri kay Poe na ang mga “pangako hinggil sa roll out” ay dapat isakatuparan pa rin kahit na walang renewal sa prangkisa ng DITO.

Pinuri naman ni opposition Sen. Risa Hontiveros ang kapasyahan ng komite na tanggihan ang franchise renewal ng telco, sapagkat kinakailangan muna umano ang mas masusing pag-aaral sa epekto ng ikatlong telco habang kikonsidera na pag-aari ng China ang bahagi nito.

“It’s quite a unique franchise, a unique company… because of the national security issues that have been raised,” ani Hontiveros.

Dagdag pa nito, “Considering that’s a quarter of a century franchise… Ang dami pa nating ire-resolve with China here in our region.”

Nauna namang nagpasa ng batas ang China na nagmamando sa mga mamamayan na suportahan ang national intelligence work.

Ang kontrobersyal na batas ay nag-udyok sa mga pamahalaan, kabilang ang US, na tanggihan ang mga kasunduan sa mga kumpanyang Chinese, dahil sa agam-agam sa seguridad.

Inaasahang ilulunsad ng DITO ang internet packages nito sa susunod na taon, kabilang ang next year, “real 5G” service.

LATEST

LATEST

TRENDING