‘Best case scenario’ para sa Covid-19 vaccination, posibleng mag-umpisa sa Marso 2021: Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Posibleng simulan ng bansa ang pagbabakuna sa mga mamamayan nito kontra Covid-19 sa Marso o Abril sa susunod na taon, giit ni Health Secretary Francisco Duque III noong Lunes.

Aniya, “We’ve done some scenario analysis under the leadership of Sec. (Carlito Jr) Galvez and I think the best case scenario would be about the end of the first quarter of 2021 or about the start of second quarter of next year.”

“A lot of factors will have to be taken into consideration to be able to more definitively set schedules for actual distribution, deployment, and inoculation of our people within our priority list,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon kay Duque, layunin ng pamahalaan na gumawa ng portfolio ng iba’t-ibang bakuna, depende sa availability at evaluation ng mga dalubhasa.

Ang mga nasa listahan aniya ay ang mga bakuna mula sa Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca, Sinopharm, at Johnson & Johnson.

Ang distribusyon ng mga bakuna ay nakadepende sa requirement ng bawat vaccine na ilalabas, dagdag pa ni Duque. Dahil nagsasagawa na ng vaccination drives ang bansa nang ilang dekada na, sasakay ito sa mga umiiral na sistema.

“We need to enhance the capacity because there has never been in the history (a time when we had to vaccinate) a huge number of people, at 60 to 70 million people. It will take time to do it,” sabi ni Duque.

Kinakailangan din ng pamahalaan na sayanin ang mas maraming tao para makapagbakuna sa mataas na lebel.

Tinatayang nasa P13.2 bilyon naman ang inilaan bilang peripheral costs ng vaccination, tulad ng pagbili ng mga syringes at waste disposal.

Nangako rin si Duque bilang isa sa mga opisyal na tatanggap ng bakuna upang pawiin ang agam-agam ng publiko hinggil sa epekto nito. Iimbitahin din niya ang iba pang mga opisyal na sumunod.

Balak ng gobyerno na bakunahan ang 50 hangang 60 percent ng populasyon upang makamit ang herd immunity laban sa Covid-19.

Nauna nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na nagpapahintulot sa Food and Drug Administration (FDA) na mag-isyu ng emergency use authorization para sa mga gamot at bakuna kontra Covid-19.

Nangangahulugan itong ang mga bakuna mula sa ibang bansa ay maaari nang gamitin sa Pilipinas matapos ag 21 days, taliwas sa nakagawiang 6-month verification.

LATEST

LATEST