Senador, nais ipa-review ang kasunduan ng gobyerno at toll operators kaugnay ng RFID issues

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Sherwin Gatchalian
Larawan mula sa: Manila Bulletin

Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian noong Linggo ang pag-review sa concession deal ng pamahalaan sa toll operators kaugnay ng mga isyu sa implementasyon ng contactless RFID system.

Sinabi ng senador na maghahain ito ng resolusyon sa sa loob ng linggo matapos humiling ang kanyang kapatid, na si Valenzuela City mayor Rex Gatchalian, sa North Luzon Expressway (NLEX) Corp. na resolbahin ang mga isyu na nagdulot ng matinding trapik sa tollway.

Ayon kay Gatchailan, dapat aksyunan ng toll operators ang reklamo ng mga motorista sa loob ng 3 business days alinsunod sa Toll Regulatory Board (TRB) rules. Ikinadismaya naman nito ang umano’y kawalan ng aksyon mula sa TRB tungkol sa reklamo ng mga motorista na umaaray dahil sa mahahabang pila at pagsisikip ng trapiko.

Aniya, “Such is an utter display of callousness to the plight of the motorists who, because of technical glitches and apparent inaction of concerned authorities, get stuck in traffic for hours.”

“Toll road operators have the temerity to exact fees from the public without any commensurate services. It’s deplorable to say the least,” dagdag pa ng senador.

Sinabi naman ng Valenzuela mayor na hindi natugunan ng NLEX ang problema nito sa sistema sa loob ng pitong taon ng kanyang pagrereklamo.

“Di ako tutol sa RFID. Maganda ang teknolohiya ‘pag tama ang teknolohiya na gamit niyo… Dito sa NLEX, 7 years na ako nagrereklamo. Hindi nila inayos ang teknolohiya for the past 7 years. RFID is a good technology if you choose the right RFID system,” diin ni Mayor Gatchalian.

Ibinahagi ng alkalde noong Sabado na natanggap na niya ang tugon ng NLEX Corporation sa kanyang naging panawagan para solusyunan ang trapik na idinudulot ng tollway system ng kumpanya. Subalit, iginiit ni Gatchalian na hindi ito sapat.

LATEST

LATEST

TRENDING