Galvez at Duque, dapat unang magpabakuna ng Covid-19 vaccine para patunayan ang kaligtasan: Go

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr.
Kuha ni: Robert Oswald P. Alfiler (PNA)

Hinihikayat ni Senador Bong Go si Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. at Health Secretary Francisco Duque III na unang magpabakuna kapag dumating na ang mga bakuna kontra Covid-19 sa bansa.

Sa ginanap na online media briefing noong Sabado, sinabi ni Go na nagkakaroon ng agam-agam ang publiko hinggil sa kaligatasan ng mga bakuna. Batay sa isang Social Weather Stations (SWS) survey noong Nobyembre, 66% ng mga Pilipino lamang ang nais magpabakuna.

Aniya, “I’m challenging Sec. Galvez, once available na po yung safe na vaccine, ay papakita niya, along with Sec. Duque, sila po ang unang magpapaturok ng vaccine once safe para to encourage naman po.”

Sinabi naman ni Budget Secretary Wendel Avisado sa parehong briefing na nakahandang gumastos ang gobyerno nang mahigit ₱73 bilyon para mabakunahan ang 60 milyong Pilipino. Malaking bahagi ng pondong ito ay uutangin mula sa multilateral agencies tulad ng World Bank at Asian Development Bank, habang ang iba naman ay mula sa bilateral sources.

Sa ngayon, nakakuha na ang bansa ng 2.6 milyong doses ng mga bakunang gawa ng AstraZeneca sa tulong ng pribadong sektor.

Bibigyan ng pamahalaan ng prayoridad ang medical frontliners, manggagawa ng pamahalaan, mahihirap na pamilya, at bulnerableng sektor. Unang sinabi rin ni Galvez na kapag nabakunahan na ang mga nabanggit, isusunod naman ang libu-libong pulis at military personnel alinsunod sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga kampo ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ay maaari rin aniyang gamitin bilang vaccination hubs para sa publiko.

LATEST

LATEST

TRENDING