
Hindi bababa sa 1,252 healthcare workers sa Davao region ang nagpositibo sa Covid-19, pahayag ng Department of Health (DOH) noong Biyernes.
Ayon kay Annabelle Yumang, regional director ng DOH sa Davao, karamihan sa mga health workers na ito ay naka-assign sa Covid-19 wards.
Aniya, “Sa ngayon po, mayroon na tayong 1,252 na mga health workers, including other frontliners po na affected ng COVID-19. So far po during the pandemic naman, sila po ang talagang nag d-duty sa ospital.”
Ang mga pamilya ng health workers na nasawi o nagpositibo sa sakit ay nabigyan na ng kompensasyon.
Tinaasan din aniya ang kapasidad ng mga pribadong ospital sa rehiyon sa 196 beds upang makatugon sa mas maraming pasyente.
Unang sinabi naman ni National Covid-19 task force chief implementer Carlito Galvez Jr. na may “nakakaalarmang” 63% increase ng Covid-19 cases sa Davao City lamang sa loob lang ng isang linggo.