Franchise renewal ng DITO Telecom, didinggin ng Senado sa Disyembre 7

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tatalakayin ng Senate Committee on Public Services ang panukalang batas tungkol sa renewal ng prangkisa ng Dito Telecommunity sa Disyembre 7 – mahigit tatlong buwan simula nang maipasa ang panukala sa Kamara.

Inanunsyo ni Senador Grace Poe, chair ng komite, ang schedule noong Miyerkules. Ang gaganaping pagdinig ay pagkakataon din aniya para sa National Telecommunications Commission (NTC) na magbigay ng updates hinggil sa serbisyo ng mga telcos.

Aniya, “Our December 7 hearing to discuss the franchise renewal of DITO is also an opportunity for the NTC to show the public how it has been doing its job during the ongoing pandemic.”

“It should be able to show in concrete terms how it ensured compliance of telcos for ample bandwidth allocation and availability of service and signal to its subscribers,” dagdag pa ng senadora.

Umaasa naman ang Malacañang sa assessment ng NTC upang makita kung napagbuti na ng Smart ang Globe ang kanilang serbisyo alinsunod sa itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte na ngayong buwan.

Nagreklamo ang pangulo laban sa Smart Communications at Globe Telecom sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo, kung saan nagbanta itong panghihimasukan ang operasyon ng mga telcos kung wala pa ring improvement sa kanilang serbisyo sa dulo ng taon.

Inihayag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magpupulong siya kasama ang mga kinatawan ng Smart, Globe, at Dito sa susunod na linggo upang sumagot ng mga katanungan.

Ang Dito ay awtorisadong mag-operate bilang ikatlong telco provider ng bansa, kasunod ng Smart at Globe. Ang bagong service provider, na pag-aari ng bilyonaryong negosyante at kaalyado ng pangulo na si Dennis Uy, ay naka-schedule para sa commercial rollout sa Marso 2021.

LATEST

LATEST