Duterte, nanawagan para sa global ceasefire habang nasa gitna ng pandemiya ang mundo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng pandaigdigang ceasefire habang patuloy ang pakikipaglaban ng mundo kontra Covid-19 pandemic.

Sa isang taped address sa ginanap na special session ng United Nations General Assembly (UNGA) hinggil sa Covid-19 pandemic, iginiit ni Duterte na ginagamit aniya ng mga masasamang loob ang pandemiya upang isakatuparan ang kanilang masasamang adhikain.

“In many parts of the world, the pandemic has worsened threats to peace and security. The lawless weaponize this health crisis. They leave COVID-19 to wreak its worst on the population,” ani Duterte sa isang taped message na inere noong Biyernes.

Ayon sa pangulo, ang paglaban sa terorismo ay makatitiyak sa mabilis na pagbibigay ng serbisyong medikal sa lahat ng mga Pilipino, lalo na para sa mga bulnerable.

Aniya, “In my country, this fight is about protecting life while preserving the democratic values we have restored without violence.”

Sa ginanap na sesyon, sinabi naman ni UN Secretary-General Antonio Guterres na mahalaga ang pagkakaroon ng global ceasefire upang makapagpokus ang mga bansa sa pagtugon sa nararanasang pandemiya.

“I echoed this call in my speech to the General Assembly in September and urged new efforts and commitments to silence the guns by the end of the year,” wika ni Guterres.

Hinikayat din ni Guterres ang mga pamahalaan na magsagawa ng konkretong mga hakbang upang wakasan ang karahasan laban sa mga kababaihan sa buong mundo.

Ang apela ni Duterte para sa global ceasefire ay matapos lamang inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Huwebes na hindi nito irerekomenda ang tigil-putukan sa mga komunista sa panahon ng Kapaskuhan.

LATEST

LATEST

TRENDING