Duterte, dadalo sa sesyon ng UN General Assembly tungkol sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nakatakdang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Huwebes at Biyernes sa isang birtuwal na sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) hinggil sa Covid-19 pandemic, ayon sa Office of the President.

Magpapahayag ng mensahe si Duterte sa UNGA at “paiigtingin ang panawagan para sa pagkakaisa upang tugunan ang mga hamong dala ng Covid-19 pandemic,” giit ng kanyang tanggapan.

Nais tugunan ng pangulo ang “universal access to anti-Covid-19 technologies and products and the need for global efforts to ensure availability of safe and effective vaccines to peoples of developing nations,” pahayag ng kanyang opisina.

Unang sinabi ni Duterte na ang access sa bakuna kontra Covid-19 ay hindi dapat “tanggihan o ipagkait”.

“It should be made available to all, rich and poor nations alike, as a matter of policy,” diin ng pangulo sa ginanap na general debate sa 75th session ng UNGA noong Setyembre.

Noong Miyerkules, binigyang awtoridad ni Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) para pahintulutan ang emergency use ng mga bakuna at gamot laban sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING