Villar, idiniin ang kahalagahan ng pag-invest sa Marikina Dam

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Public Works Secretary Mark Villar

Hindi umano masasayang ang paggastos ng bilyun-bilyong piso para sa paggawa ng Marikina Dam para mapigilan ang mapaminsalang pagbaha tuwing may bagyo, giit ni Public Works Secretary Mark Villar.

Binanggit ni Villar ang plano para sa pagtatayo ng isang multi-purpose dam sa upstream ng Marikina-Montalban River Basin bilang isa sa mga long-term flood control projects ng gobyerno.

“That really attacks the source of the issue, of the problem, which is the water coming down from the mountains. When it rains, all of a sudden, we have a flood of water coming into Marikina River,” wika ni Villar.

Ayon kay Villar, na pinangungunahan ang task force sa typhoon rehabilitation, matutulungan ng dam na protektahan ang mga komunidad mula sa mga malalakas na bagyo.

“So of course, if you want to do this, it costs a lot of money. But then again, ito investment naman ito,” wika ni Villar.

Sa ginanap na Senate hearing noong nakaraang linggo, sinabi naman ni Public Works Undersecretary Emil Sadain na ang Marikina Dam ay puwedeng gawin sa loob ng limang taon sa estimated cost na ₱38 bilyon.

Ang Marikina City ang kauna-unahang local government unit (LGU) na nagdeklara ng state of calamity matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses na nagdulot ng malawakang pagbaha noong Nobyembre. Ang epekto ng nasabing bagyo ay maihahalintulad sa paghagupit ng Bagyong Ondoy noong 2009.

Ang panukala para sa pagtatayo ng Marikina Dam ay nasa National Economic and Development Authority (NEDA).

“We can be sure that these billion-peso projects that go through the NEDA have gone through extensive study,” sabi ni Villar.

Samantala, nanawagan naman ang mga eksperto na tumingin nang lagpas sa imprastraktura. Ibinahagi ni Mahar Lagmay, executive director ng UP Resilience Institute, ang isang seven-point action plan na naglalaman ng nature-based solutions para sa disaster risk reduction. Ang mga kagubatan aniy ay dapat protektahan at ang mga degraded na lugar ay dapat i-rehabilitate para makapagbigay ng natural defense mula sa paghagupit ng bagyo.

Sumang-ayon naman si landscape architect at urban planner Paulo Alcazaren sa panukala, at hinikayat ang pamahalaan na bantayan ang mga protected areas. Dapat din umanong humanap ng Department of Human Settlements and Urban Development na sites kung saan hindi mapapahamak ang mga tao.

Iginiit naman ni Villar na dapat holistic ang maging approach sa pagtugon sa flood control.

LATEST

LATEST

TRENDING