Roque: Telcos, ‘nag-uunahang’ magbigay ng update sa pamahalaan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Nagkukumahog umano ang mga telecommunication providers na magbigay ng ulat tungkol sa kanilang mga bagong ipinatayong cell towers, giit ng Malacañang noong Huwebes, matapos magbigay si Pangulong Rodrigo Duterte nang hanggang Disyembre upang ayusin ang kanilang serbisyo kundi “ipasasara” niya ang mga ito.

Unang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong linggo na “wala pa ring improvement” sa serbisyo ng PLDT at Glove Telecom.

“Lahat sila nag-uunahan magbigay ng eksplanasyon,” wika ni Roque.

Nilinaw din ni Roque na ang kanyang maging susunod na press briefing ay “exclusively on telcos.”

Aniya, “We will have the telcos, all 3 of them, and the NTC on Tuesday.” 

Noong Hulyo, sinabihan ni Duterte ang mga telcos na ayusin ang kanilang serbisyo bago mag-Disyembre.

“I want to call Jesus Christ in Bethlehem, better have that line cleared…If you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko yan expropriate ko sa gobyerno,” diin ng pangulo sa kanyang ika-limang State of the Nation Address.

Ang mga telcos ay dapat mag-ulat sa mga opisyal ng Gabinete tungkol sa mga local government units (LGUs) na bumabalakid sa pagtatayo ng cell sites sa bansa, dagdag pa ni Duterte.

Layon namang hamunin ng ikatlong telecommunications player na DITO Telecommunity, ang duopoly ng Globe at PLDT. Kumakatawan sa DITO ang Udenna Corp ng negosyanteng si Dennis Uy at Chelsea Logistics ng China Telecom. Si Uy ay matagal nang kaalyado ni Duterte.

Ayon sa Globe Telecom, nakapagpatayo na ito ng 911 bagong cell sites noong Nobyembre at inaasahan ang pagkumpleto ng 389 pang karagdagan bago magtapos ang taon. Samantala, sinabi naman ng PLDT-Smart na tinaasan nito ang bilang ng LTE at 3G base stations sa mahigit 58,000, habang maglalabas pa ito ng karagdagang 313 5G base stations.

LATEST

LATEST

TRENDING