PH, pinahintulutan ang emergency use ng mga gamot at bakuna kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinahintulutan ng Pilipinas ang emergency use ng mga bakuna at gamot kontra Covid-19 alinsunod sa isang executive order na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing kautusan, pinahintulutan ni Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) na mag-isyu na emergency use authorization para sa Covid-19 vaccines at drugs.

Nangangahulugan itong ang mga bakuna kontra Covid-19 na inaprubahan ng mga bansa kung saan na-develop ang mga ito ay maaaring gamitin sa bansa makalipas ang 21 days, mas maikli sa kasalukuyang 6-month verification, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang awtorisasyon ay ilalabas at mananatiling epektibo alinsunod sa mga sumusunod na senaryong nakasaad sa Executive Order No. 121:

  • Based on the totality of evidence available, including data from adequate and well-controlled trials, it is reasonable to believe that the drug or vaccine may be effective to prevent, diagnose or treat COVID-19; 
  • The known and potential benefits of the drug or vaccine when used to diagnose, prevent or treat COVID-19 outweigh the known and potential risks of the drug or vaccine, if any; and 
  • There is no adequate, approved and available alternative to the drug or vaccine for diagnosing, preventing or treating COVID-19. 

Ang emergency use authorization ay “magtatagal sa loob ng itinakdang durasyon ng idineklarang public health emergency bunsod ng Covid-19,” sabi ni Duterte.

Ang mga aplikasyon para sa emergency use ay dapat sumunod sa “Good Marketing Practices”, at habkang ng manufacturer para kumpletuhin ang development ng gamot at bakuna.

Binigyan ng awtoridad ni Duterte ang lokal na FDA na “tanggapin ang regulatory decision” ng World Health Organization, US Centers for Disease Control and Prevention, at iba pang international na awtoridad.

Noong Miyerkules, inaprubahan na ng United Kingdom ang paggamit ng Covid-19 vaccine na gawa ng BioNTech-Pfizer.

Una ring pinahintulutan ng China at Russia ang emergency use ng kanilang mga bakuna.

LATEST

LATEST