Peace talks, posible pa, pero dapat may ‘sinseridad’ mula sa CPP: Lorenzana

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Defense Secretary Delfin Lorenzana

Hindi tinatalikuran ng pamahalaan ang posibilidad ng pagbabalik ng peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP), giit nit Defense Secretary Delfin Lorenzana noong Miyerkules, subalit idiniin na dapat mayroong “sinseridad” sa panig ng mga rebelde.

Aniya, “Yes (Posibleng ibalik ang peace talks). The peace talks, the government is ready, the President is ready.”

“But kailangan lang natin, what we want for them is a little bit of sincerity,” dagdag pa ng kalihim.

Huminto si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdaraos ng peace talks sa mga komunista noong 2017, bunsod ng akusasyon mula sa magkabilang panig ng ceasefire violations. Sinubukan ng magkatunggaling kampo na muling mag-usap-usap subalit hindi sumang-ayon ang pinuno ng CPP na si Jose Maria Sison hinggil sa ilang isyu tulad ng venue para sa meetings.

Noong Abril, muling tinanggihan ni Duterte ang peace talks dahil hindi umano nirespeto ng mga rebelde ang pangakong pagkakaroon ng ceasefire. Ito ay matapos maiulat ang pagpatay ng dalawang sundalo sa Aurora sa kamay umano ng mga rebelde sa parehong buwan.

Inakusahan naman ng CPP ang Armed Forces na “hindi umano nag-ceasefire” bagama’t ipinag-utos ng pangulo ang tigil-putukan.

Samantala, ibinahagi naman ni Lorenzana na personal siyang hindi sumasang-ayon na gawing krimen ang “red-tagging,” dahil ang mga naging pahayag aniya ay layon lamang ibunyag ang “katotohanan”.

Aniya, “I don’t think so that we are criminalizing red-tagging.”

“‘Yung red-tagging is just to force these people to come out and tell the truth,” ani Lorenzana.

Nilinaw ni Duterte sa kanyang talumpati ngayong linggo, na hindi lamang nire-red tag ng pamahalaan ang Makabayan bloc kundi itinuturing din sila bilang front ng CPP.

Tinanggihan naman ng mga mambabatas na inakusahan ng pagiging bahagi ng CPP ang mga alegasyon laban sa kanila, dahil “kasinungalingan at fake news” lamang ang mga ito kapag walang ebidensiya.

LATEST

LATEST

TRENDING