Duterte, nagpaalala sa mga awtoridad na ituloy ang drug war sa gitna ng pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes sa mga awtoridad at prosecutors na “huwag titigil” sa laban kontra iligal na droga bagama’t nasa gitna ng Covid-19 pandemic.

Ang mga durugista umano ay “hindi humihinto sa kanilang kriminal na aktibidad” bagama’t may pandemiya, ani Duterte sa isang ceremonial destruction ng nasabat na mga iligal na droga sa Cavite.

Aniya, “We must therefore remain steadfast in our campaign not only by intensifying our operations against drug trafficking, but also by reforming our criminal justice system and addressing the root causes of drug use and dependency.”

“I am asking the brave men and women of our law enforcement agencies, the prosecution service and the judiciary to never waver in their difficult, yet rewarding task,” dagdag pa ng pangulo.

Muling binigyang diin nito ang kanyang akusasyon laban sa human rights defenders na “abala” umano sa buhay ng mga kriminal, ang abiso sa mga awtoridad na barilin ang mga suspek na manlalaban, at ang kanyang pangako na aakuin ang responsibilidad sa mga casualties ng drug operations.

Sinabi ni Duterte noong Nobyembre na 167 milyong Pilipino ang adik sa iligal na droga, mahigit sa 100-milyong populasyon sa bansa. Dinipensahan naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing “typo error” ang nangyari kung saan ibig sabihin umano ng pangulo ay 1.67 milyong drug users.

Sa inilabas na United Nations report noong Hunyo, sinabi nitong libu-libong katao sa Pilipinas ang posibleng pinatay bunsod ng kampanya kontra iligal na droga na may “near impunity” sa pulis at panghihikayat sa karahasan mula sa matataas na opisyal simula 2016.

LATEST

LATEST

TRENDING